ReviewReviewReviewPilot better pen bp-s fine blackMar 25, '06 8:44 AM
for everyone
Category:Other
Ang Pilot Ball Point better pen bp-s fine na kulay itim ang tinta ay isa sa mga pinakasimple subalit epektibong panulat na mabibili ngayon. Ang tinta nito'y sadyang napakasakto lamang ang inilalabas sa bawat sulat, hindi masyadong makapal 'ni masyadong manipis. Ang tinta rin nito'y hindi kumakalat kaya't ito'y aking isinusulong na inyong bilhin. Ang nag-iisang ayaw ko lamang sa panulat na ito ay ang kanyang takip. madali itong matanggal kapag ito'y laging nasa bulsa. Dahil dito, ang Pilot Ball Point better pen bp-s fine na kulay itim ang tinta ay madaling mawala. Lahat lahat na, tunay pa ring ang panulat na ito'y isa sa mga pinakasimple subalit epektibong panulat na mabibili ngayon.


9 Comments
noypiblues wrote on Mar 26, '06
di hamak na mas sulit yan sa parker.
homernarvaez wrote on Mar 26, '06
Oo nga, kaya swithart, 'pag kinasal na tayo, 'yan pampirma natin sa mga papeles ah?
noypiblues wrote on Mar 26, '06
opo papi.
paulinamiranda wrote on Jun 5, '06
ang ayaw ko lang talaga naman sa pilot ay pagnalaglag siya, pumapangit na ang tinta... pakonti ng pakonti. teka lang.. parang gumawa ka yata ng ad for pilot.. haha! dapat may bayad yan!
homernarvaez wrote on Jun 5, '06
sino bang nagsabing walang bayad?hehe! joke lang.:) loyalista lang talaga ako ng pilot.:)
idnod wrote on Jun 15, '06
dapat lotus naman na ballpen yung gawan mo ng review para kay Gul
rain36 wrote on Jun 17, '06
idnod said
dapat lotus naman na ballpen yung gawan mo ng review para kay Gul
Tama! Support Gul! Boo to pilot! wahaha
rain36 wrote on Aug 5, '06
Fan ako ng mga reviews mo! gawa ka pa! hahaha
homernarvaez wrote on Aug 5, '06
rain36 said
Fan ako ng mga reviews mo! gawa ka pa! hahaha
:)) Tingnan natin men.B)
Add a Comment
How would you rate this thing? (optional)
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help