Ang Max's Fried Chicken ay isang restawran na binubuo ng mga pagkaing nagmula sa kinasanayan ng mga Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay ang Lumpiang Shanghai, ang piniritong manok na kung saan sila'y kilalang kilala, ang kare-kare, ang malutong na pata ng baboy, at ang sinigang na bangus. Sa katunaya'y ang akin pa lang nasusubukan ay ang kanilang lumpiang shanghai at piniritong manok subalit sa pagsubok pa lamang ng dalawang pagkaing ito, ako'y nakikilig na't napapahiyaw sa sarap nilang siyang babalik-balikan ng mga tao. Tunay na masarap ang Max's Fried Chicken. Sigurado akong magugustuhan rin ninyo ang mga hain ni Ginoong Maximo.
Siya si Ginoong Maximo. Ang nakaimbento ng Max's Fried Chicken para sa mga amerikano niyang kaibigan noong kapanahunan. Eh nagustuhan ng marami 'yung manok niya, kaya, ginawa niya ang Max's Fried Chicken. Sarap to the bones.