Ah, ang Jollibee. Kung ikaw ay isang Pilipinong lumaki sa 'pinas, tiyak akong narinig mo na nang ilang beses ang restawran na ito. Ngayo'y aking ibabahagi ang ilan sa mga pagkain ng Jollibee na sigurado'y iyong ikatatakam-takam. Kay sarap ng kanilang Chickenjoy. Ang manamis-namis na gravy, ang pinaghalong lambot at lutong ng balat, at ang pagkalambot-lambot ng laman ang siyang ninanais ng aking puso. Maging ang kanilang mga burger ay abot langit sa sarap. Ang Cheeseburger Yum with TLC o Tomatoes, Lettuce and Cheese ay talagang saksakan sa sarap nang dahil sa tinatago nitong lasang hindi ko mailarawan. Ang Jollibee ay aking minamahal nang lubusan. Sadyang 'di maiiwasan ang tamis at yamang kanyang ibinabahagi hindi lamang sa akin, subalit pati na rin sa milyun-milyong Pilipinong nagmamahal sa kanyang sarap.