ReviewReviewReviewPilot better pen bp-s fine blackMar 25, '06 8:44 AM
for everyone
Category:Other
Ang Pilot Ball Point better pen bp-s fine na kulay itim ang tinta ay isa sa mga pinakasimple subalit epektibong panulat na mabibili ngayon. Ang tinta nito'y sadyang napakasakto lamang ang inilalabas sa bawat sulat, hindi masyadong makapal 'ni masyadong manipis. Ang tinta rin nito'y hindi kumakalat kaya't ito'y aking isinusulong na inyong bilhin. Ang nag-iisang ayaw ko lamang sa panulat na ito ay ang kanyang takip. madali itong matanggal kapag ito'y laging nasa bulsa. Dahil dito, ang Pilot Ball Point better pen bp-s fine na kulay itim ang tinta ay madaling mawala. Lahat lahat na, tunay pa ring ang panulat na ito'y isa sa mga pinakasimple subalit epektibong panulat na mabibili ngayon.


ReviewReviewReviewReviewMax's Fried ChickenMar 23, '06 11:48 AM
for everyone
Category:Restaurants
Cuisine: Other
Location:Pilipinas
Ang Max's Fried Chicken ay isang restawran na binubuo ng mga pagkaing nagmula sa kinasanayan ng mga Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay ang Lumpiang Shanghai, ang piniritong manok na kung saan sila'y kilalang kilala, ang kare-kare, ang malutong na pata ng baboy, at ang sinigang na bangus. Sa katunaya'y ang akin pa lang nasusubukan ay ang kanilang lumpiang shanghai at piniritong manok subalit sa pagsubok pa lamang ng dalawang pagkaing ito, ako'y nakikilig na't napapahiyaw sa sarap nilang siyang babalik-balikan ng mga tao. Tunay na masarap ang Max's Fried Chicken. Sigurado akong magugustuhan rin ninyo ang mga hain ni Ginoong Maximo.

masarap din yung tubig nila. libre pa.


ReviewReviewReviewReviewJollibeeMar 22, '06 11:12 PM
for everyone
Category:Restaurants
Cuisine: Other
Location:Philippines
Ah, ang Jollibee. Kung ikaw ay isang Pilipinong lumaki sa 'pinas, tiyak akong narinig mo na nang ilang beses ang restawran na ito. Ngayo'y aking ibabahagi ang ilan sa mga pagkain ng Jollibee na sigurado'y iyong ikatatakam-takam. Kay sarap ng kanilang Chickenjoy. Ang manamis-namis na gravy, ang pinaghalong lambot at lutong ng balat, at ang pagkalambot-lambot ng laman ang siyang ninanais ng aking puso. Maging ang kanilang mga burger ay abot langit sa sarap. Ang Cheeseburger Yum with TLC o Tomatoes, Lettuce and Cheese ay talagang saksakan sa sarap nang dahil sa tinatago nitong lasang hindi ko mailarawan. Ang Jollibee ay aking minamahal nang lubusan. Sadyang 'di maiiwasan ang tamis at yamang kanyang ibinabahagi hindi lamang sa akin, subalit pati na rin sa milyun-milyong Pilipinong nagmamahal sa kanyang sarap.

Jollibee, will you marry me?


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help