Blog Entrytalo ka, lotus clan!Jun 19, '08 2:17 PM
for everyone
Kakatapos ko lang laruin ang huling pagsubok ng Kenji's Journey mula sa Battle Realms, ang paborito kong childhood game. Grabe, ang sarap ng feeling.:))

For the Dragon! Orayt.B)

Blog EntryDone with the IB for good. B)May 21, '08 6:26 AM
for everyone
Woo!

just finished my Physics P3 exam an hour ago--my last exam.:)

Giggity giggity, alright.

Summer, here I come.


Blog EntryMost Recent Works - Pop ArtMar 20, '08 11:18 PM
for everyone
..recently finished doing two more pop art works for my IB Art Exhibition...both are related to advertising. The first one's a fusion of Lichtenstein and Warhol's techniques while the second one's more of a sum of techniques derived from today's artists.

Higher quality ones @: http://flickr.com/photos/homernarvaez




         

Blog EntryJapanese Peeps are Cool.Mar 10, '08 5:46 PM
for everyone

cool da ne! O(≧∇≦)O

Blog EntryLeave Eyes - Line ArtMar 5, '08 9:22 PM
for everyone
A parody of Graham Rounthwaite's series of ads for Levi's.

7 oras na trabaho, isang oras na break. :))

Blog EntryFor Sale - Nikkor 18-70mm f3.5-4.5Mar 2, '08 8:32 AM
for everyone
I'm selling my Nikkor 18-70mm lens which I bought in August 2006. In very good condition. Recently serviced from Nikon Switzerland. Bought for 400 CHF. Selling for 300 CHF.

I'm selling this since it's overlapping my Tamron 15-50mm already. Photo quality and ergonomics are really good, chromatic aberration is minimal even in wide.

E-mail me at homernarvaez@yahoo.com. Actual pics included. Thanks.


Blog EntryMade-up!Feb 14, '08 10:12 PM
for everyone
...was inspired by the Dove 'Campaign for Real Beauty'. The title itself speaks of the two meanings of the work; the first being the obvious one, where the subject is literally "made-up," with make-up while the second meaning is more of how aesthetics is 'made up' through digital manipulation.

Everything was done in Photoshop CS3 (Still learning!;) ).

Tell me what you think.;)


Blog EntryTest PaperAug 12, '07 3:37 AM
for everyone
Sumakabilang buhay ang lola ko noong isang linggo. Malayo rin ang naabot niya, sa edad na 87, may diabetes at nanghihina na, kinaya pa niya kaming halikan ilang araw lang bago ang tinakdang araw.

Isa sa mga araw noong naglalamay kami sa bahay, nagkaroon ng isang panahon na masaya ang usapan, tipong usapan ng mga magagandang alaala nila tito't tita kasama si lola. Humirit si Tito Ben, sabi niya, "Kaya kami ni Loy (isa ko pang tito) napagkasunduan na namin 'yan eh, 75. Malakas man o mahina, finish or not finish, pass your papers." Tawa ako eh.:))

Pero, oo nga naman, 'di ba parang test paper nga naman ang buhay, iisa-isahin mo mga tanong, kinakabahan ka maging sa mga tanong na alam no naman sagutin, kalaban mo oras, at pagdating mo sa dulo babalikan mo bawat tanong kung tama mga sagot mo. Dagdag pa ni mommy, "Mahirap kung alam mong may mali kang sagot."

Pero, sa kabila nito, maganda rin kung ang pagtungo sa buhay ay parang test pare, hinay-hinay lang, isipin mo nang mabuti at mag-ingat sa kung ano iyong tinatanong, at paghandaan mo nang mabuti. Higit sa lahat, sana hindi mo inaalala masyado kung papasa ka o hindi. Tutal, sino ba ang nagsasabi kung ano ang tama at mali?;)

Blog EntrySauvageDec 4, '06 11:52 AM
for everyone
After almost one year of a successful product launching, Narvy Products, Inc.® would like to introduce Sauvage's newest product packaging. Truly, things could be as wild as they can get. B)

Blog EntryTen Of Life's Simple PleasuresJun 16, '06 7:08 AM
for everyone
Gift ni Swithart Mari. Tenkyu.

Name ten of life’s simple pleasures that you like the most, then pick ten people to do the same. Try to be original and creative and not to use things that someone else has already used.

Number 1!
Naimbento ang hanger. Grabe pala ang hirap kung wala yan.

Number 2!
Ang pagiging bata. Hindi pa ako pinagbabayad ng tax.

Number 3!
Pwede magluto ng bacon kahit anong oras mo gusto.

Number 4!
Ang internet. Grabe ang communication. Isipin niyo na lang kung may internet na nung panahon ni Rizal. PC-to PC calls sila ni mami Teodora Alonzo.

Number 5!
May vibrations sa paligid. Music to my ears.

Number 6!
May mga tao kang nakakasalamuha sa araw-araw. Isipin mo na lang kung mag-isa ka lang sa mundo.

Number 7!
Pwede kang humiga sa damuhan at magpahinga. Ingat nga lang sa langgam.

Number 8!
Naimbento iyong kahoy na may kamay na pangkamot sa likod. Laking hirap kung wala yun. "That's the spot."

Number 9!
Manok. Sarap.

Number 10!
Naimbento ang deodorant.

And the 10 are: Dino Santos, Gabo Yap, Gabi Perez, Joey Palma, John Cruz, Julian Canita, Peps Bengzon, Peps Jingco, Rain Sim, Paolo De Guzman.

Blog Entry6 Weird Things About MeJun 4, '06 4:21 PM
for everyone
Binigay ni pareng Dino.

the first player of this game starts with the "6 weird things/habits about yourself" and people who get tagged need to write a blog of their 6 weird habits/things, as well as state this rule clearly.. in the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names...

1. Nililinis pa rin ni Mami ang tenga ko. (pareho tayo Dino!)

2. Umaabot ako ng thirty minutes sa pagtu-toothbrush, paghihilamos at paglalagay ng gamot sa mukha tuwing gabi at umaga. Ewan ko kung bakit pero dun lumalabas mga ideya ko.

3. Nagpupush-ups at sit-ups ako halos araw-araw.

4. Nae-engganyo akong tumugtog ng marami-raming musical instruments.

5. Nagiging Obsessive Complusive ako paminsan-minsan.

6. May sariling mundo buhok ko.

And the lucky six are, tentenenen: JC, Dondi, JM, Paulina, Mari at John. Good luck!

Blog Entryisang buwan na lang ba aking kaibigan?Mar 20, '06 5:30 AM
for everyone

Ngayon ay ika-20 ng Marso, taon 2006. Apatnapu't walong minuto na ang nakalilipas matapos ang ikalima ng hapon. Ilang araw na nga lang ba? Malamang ngayon ay nasa mga 25 hanggang 30 na araw na lang at ako'y lilisan na ng bayang sinilangan at darating sa lupang banyaga. Nakakuha si Mommy ng trabaho sa mga Nagkaisang Bansa o United Nations at siya'y naatasan sa Switzerland. Kakarampot lamang ang aking pagkakalam tungkol sa Geneva, Switzerland. Isang taon ang kanyang kontrata subalit ang pagkakataong mamumuhay raw nang matagalan, na baguhin ang kontrata't madagdagan pa ng anim na taon hanggang sa hindi ko pa alam na taon ay sadyang nakalalamang kaysa sa pagbalik dito sa 'Pinas matapos ang isang taon. Labag man sa aking pusong iwanan ang aking bayan ay naniniwala akong ang paglisan kong ito ay kinakailangan din, hindi lamang ng aking pamilya 'ni kaya ng aking sarili, subalit maging ng bansa natin. Ang Pilipinas ay unti-unting bumabagsak. Sa pagtawag sa ating isang third world country, ang paghila-hila ng mga nasa kapangyarihan ay lalong hindi nakatutulong sa sitwasyon ng ating bayan ngayon. Palitan ang gobyerno? Maari, subalit naniniwala ako na ang papalit dito at ang papalit pa sa pumalit ay magiging tulad lamang ng pinalitan. Naniniwala akong ang problema ng ating bansa ay hindi masosolusyonan ngayon, subalit ang makagagawa ng solusyon ay narito na subalit hindi natin namamalayang isang malakas na kampon--kaming mga kabataan. Edukasyon, ang isang salitang makapagbabago ng sitwasyon ng isang bansang tuldok sa mapa, ay ang nakikita kong paraan sa pagsulong. Napakalalim at lawak ng utak na binigay ng panginoon sa ating mga tao. Nang dahil sa edukasyon nakita ko ang rason ng paglisan ng bansa. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang pangangaral sa akin ng aking mga guro sa Ateneo, sila nga'y isa sa mga taong naghubog sa aking puso't isipan, isa sa mga nagbigay ng inspirasyon sa akin na mangarap, subalit ang nakikita kong rason ng paglisan ay ang mga makasasalamuha ko sa mga lupang aking tutunguhin. Ako ay bata pa, malawak pa ang mga isipa't handang matuto ng mga bagay-bagay. Naniniwala ako na balang araw, kapag dumating na ang panahon, kapag ako'y tumanda na't natuto ng kung anu-anong leksyon sa buhay sa iba't ibang lupalop mundo, babalik ako sa lupang sinilangan, sa tahanan ng aking lahi, at maging isa sa mga milyun-milyong Pilipinong magbubuhat sa bansang ito tungo sa isang matagumpay at nagkakaisang bayan.


Blog Entrywow. first timeAug 14, '05 11:09 AM
for everyone
ok, so first time ko pa lang magsulat ngayon. ano bang masasabi ko? as of now, meron pa akong 2 mahabang chapters na kailangang basahin sa noli at sagutan ang math hw. tae. ang dami. kaya hanggang dito na lang muna. yey.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help